“Di ba’t sinabi mo sa’kin dati na mahirap kumain ng tsokolateng natunaw at parang wala nang korte, kadiri ng kainin, mukha ng tae…”
Alas singko ng umaga. Nasa sleeping lounge ako ng call center na pinapasukan ko. Masakit ang ulo. Pagod ang utak. Kaya sinaksak ang headset sa cellphone kong paru-paro at nakinig na lang kay Chito.
“Some people love shoes of certain kinds. Some people love afternoons or the way the moon shines. And they have their own reasons to feel the way they do. That’s why I ask myself – what it is with you? …”
Binati na ng sinag ng araw ang mata kong puyat. Lakad palabas ng building, sabay habol sakin ng aking ka-opisina at sinabing “Hoy! Naka-earphones ka pa! Manakaw yang cellphone mong paru-paro!” Tawa lang ako sabay balik sa kanta ni Chito.
“Magdamag naggigitara ang bagal ng gabi. Ang daming iniisip ngunit wala namang masabi. Nagsawa ka na ba? Subukan mong tumawa. Tigilan ang pag-iisip ipagpatuloy ang pananaginip…”
Patawid ako ng kalsada sabay busina ng taxi na parating na pala. Tingin lang ako sabay hawi ng buhok at dukot sa bulsa ng mentos. Bigla ko naisip, kung namatay kaya ako kanina dahil sa pagkasagasa, may tao kayang matutuwa? Dahil di ko rin naman masagot sarili kong tanong, bumalik na lang ako sa mga kanta si Chito.
“Lumayo ka na sa akin, wag mo kong kausapin. Parang awa mo na, wag kang magpapaakit sa akin. Ayoko lang masaktan ka, malakas ako mambola…”
Sakay ako ng jeep. Nagising si kuyang nakaupo sa tapat ko at pagkakita sakin, sabay ngumiti ng pagkatamis tamis. Biglang taas naman ang kilay ko at umirap lang ako. Nagpaabot ng bayad sa babaeng katabi ko at bumalik sa pakikinig kay Chito.
“Please don’t worry ’bout how things might turn out. Let go, let everything go. Go run…”
Baba ng jeep. Sabay bulong sa sariling “Shit… Bakasyon ba ngayon? Bakit isaw ang pila sa terminal na ‘to?” Napa-buntong hininga na lang ako tapos hinanap ang dulo ng mahabang linya ng mga tao. Naghintay katulad ng iba at inaliw na lang ang sarili sa mga kanta ng parokya.
“Sa inyo ko natutunan ang lahat nang kalokohan at kasalanan niyo kung ba’t ako nag ka ganito. Araw araw mag kasama, para ko kayong pamilya. Isang pamilya na sira ang mga ulo…”
Nakaupo na sa bus. Kinuha ang cellphone at tinext ang boyfriend ko para di mag-alala kung nasan na ko. Tapos biglang napatingin sa isang kabataang mas makapal pa sa braso ang suot na pulseras at pinipilit pagkasyahin ang skateboard sa kanyang bag. Natawa na lang ako tapos nakinig na uli kay Chito.
“Mabuti pa sa lotto…May pag-asang manalo…Di tulad sayo..imposible…Prinsesa ka..ako’y dukha…Sa TV lang naman kasi may mangyayari…”
May babaeng tumabi sakin na may kasamang lalake. Nagpaalam sa isa’t isa, sabay kiss. Tapos nang paalis na si lalake biglang pinigil ni babae tapos kiss uli. Tapos isa pa. Tapos isa pa. At isa pa. Napayuko na lang ako sabay baling ng atensyon sa parokya.
“Nasan na tayo? Hindi ba tayo nawawala? Tabi mo muna yung auto. Parang gusto ko nang bumaba. Ayoko sanang huminto ngunit masyado nang malayo..”
Umalis na ang bus sa terminal. Lumapit si manong konduktor at nagtanong ng “Miss, san ka?” Binigay ko ang destinasyon ko sabay balik sa kanta ng parokya.
“Red pants I love you…Red pants I love you. You fit in your slippers and not so good to look at…”
Saktong hinto lang ang bus sa pagpula ng ilaw ng stoplight. May katabi kaming jeep at napansin kong bumaba ang isang babae. Di ko maalis ang tingin ko sa pantalon niyang kulay pula. Nangingiti sa sarili at napabulong ng “Pagkakataon nga naman, ang galing talaga tyumempo ng parokya”.
“Sino pa bang hinihintay? Ba’t di pa tayo sumakay? Excited na’kong umalis, sige na please, konting bilis. Saan ba tayo pupunta? Kahit saan, bahala na…”
Palapit na uli si manong konduktor at di nagtagal narinig ko na ang inaabangan kong banat “Miss, bayad lang po”. Inabot ko na ang pamasahe ko tsaka humanap ng komportableng pwesto. Usog dito, baling ng konti dun. Dinantay ang ulo sa bintana at itinulog ang nalalabing oras ng byahe ko.
Oo nga pala, Salamat Chito. Tapos na ang araw na ‘to, bukas uli.
Tags: Byahe pauwi, Chito Miranda, Parokya ni Edgar