Bad news hit me hard as last week geared towards its end. I cried. I debated. Nothing happened. It broke me. But then fate quickly restored my spirit just last Saturday. How? In the form of my first ever Masters professor.
Pwede na magtagalog? Ok. Game.
Hindi ko na babanggitin ang buong pangalan niya at baka meron pang makakilala at ibalita pang may estudyante siyang nag-blog tungkol sa kanya.
Isa lang ang naalala ko pagkakita ko palang sa kanya at yun ay ang iniidolo kong si Sir Steno. Oops. Steno na nga lang pala. Matangkad, maputi, chinito. Authentic Chinese look kung baga. Halos kaparehas din niya magsalita kaya naman talagang naaliw ako sa kanya.
Sobrang COOL niya! (O ayan, naka-all caps pa.) 8:00-4:30 ang klase ko sa kanya. 8:30 ako dumating (Oo, late nga ang pobreng bata). 9:30 nung bumanat siyang “O, alam niyo na topics niyo for the succeeding weeks? We’re good? In that case, tara na. Wala akong planong makipagbolahan hanggang alas kwatro. O, college style a. Walang papakita sa office.”
Early dismissal? Sa Masters? Seryoso?
Who would have thought it’s actually possible???
Siyempre lahat naman kami masaya. Sino ba namang estudyante ang hindi matutuwa kapag maaga ang uwian di ba?
Pero sa maikling oras na nagsalita siya at nakinig ako sa mga sinabi niya, eto ang mga natutunan ko.
Una, “Don’t spend more than what you make”. Matuto kang humawak ng pera. Yan ang isang bagay na hindi itinuturo sa eskwelahan pero unang bagay na dapat matutunan kapag nagtrabaho na.
Pangalawa, “Maging masaya ka, pero wag kang makuntento sa kung anong meron ka”. Kapag kasi nakuntento ka, hindi ka na maghahangad at magpupursigi na umangat pa. Hindi mo na iisiping dapat mas magsikap pa. Hindi ka na magtatangkang mas pagbutihin pa. Wag mong hayaang tumigil ang pag-asenso ng buhay mo dahil lang kuntento ka na.
Tapos sabi pa niya “Kayo, natutuwa ako sa inyo. Masaya kong nandito kayo ngayon kasi ang ibig sabihin nun, hindi kayo kuntento sa alam niyo na ngayon. Hindi niyo hinayaang maipit kayo sa mga bagay na natutunan niyo nung kolehiyo. Gusto niyo pang matuto. Sana lahat ng tao naiintindihan ang dahilan sa likod ng hindi pagtigil sa pag-aaral”.
Ang galing niya. Makulit siya, maharot, kwela at sobrang praktikal na tao, lalo na sa oras pero lahat ng lumalabas sa bibig niya, may saysay, may laman, may importansya, may halaga. At sinong mag-aakalang sa kabila ng sobrang “casual way” niya ng pakikipag-usap ay ang 2 Bachelor’s Degree, 1 Masters Degree at 1 Doctorate Degree. Bigatin di ba?
Gusto kong maging katulad niya sa paraang malayo at matayog man ang narating niya sa buhay, nakatapak pa rin ang mga paa niya sa lupa. Ang mga nakamit niya, hindi niya pinagyabang, sa halip ginamit niyang daan para magsilbing inspirasyon sa iba.